Skip to main content

HUWAD NA KALAYAAN

Isa bang pagtataksil na isiping mas mahusay kung ang rebolusyon ay nabigo? at baka sakali hindi tayo alipin ng sariling kababayan. 
Kagaya ng sinabi ni Gat. Rizal, "Pasasaan pa ang kalayaan kung ang mga alipin ngayon ay sila din namang mang-aalipin bukas."



Matapos ang deklarasyon ng kalayaan ng mga Filipino, isang daan taong nakalilipas, patuloy parin ang mga katanungan kung naging ganap ba ang Kalayaan? o naging mga alipin ng sariling kababayan. 

Isang araw bago ang pag gunita sa araw ng kalayaan, nag babala ang pambansang pulisya na kanilang bubuwagin ang kilos prostesta ng mga mamayan na umaalma sa panukalang batas na Anti- Terror Bill, alinsunod sa patakaran ng pandemya. Bago ito, ang mga estudyante ng UP Cebu at anim na tsuper ng jeep ay inaresto matapos magpahayag ng saloobin sa pamahalaan. Batid ng lahat ang panganib ng pandemya at lahat ay umaasang ito ay mag wakas. Ngunit ang pag gamit nito bilang instrumento sa pagpapatahimik sa boses ng publiko ay isang opresyon. Nakasaad sa saligang batas ang kalayaaan ng mamamayan na magpahayag at mag-tipon upang ipahatid ang saloobin sa pamahalaan. Walang kahit anumang batas o polisya ang maaring pumigil sa konstitusyon bilang ito ay ang mandato ng taumbayan. Kung ang kalayaan na magpahayag ay dahan-dahan hinahamak ng pamahalaan, isang katanungan ang dapat masagot, tunay nga ba tayong lumaya? o inihalal lamang natin ang bagong mang-aalipin? Matapos ang pagkakatatag ng bagong republika ng Pilipinas, nasaan na nga ba tayo bilang isang bansa? Tumingin tayo sa paligid, ilang kababayan natin ang patuloy na naghihirap? karamihan sa atin ay alipin ng kahirapan dahil sa hindi demokratikong lipunan. Ang iba naman ay patuloy na nakakaranas ng pang- aabuso, kagaya ng 'di-matapos na pagpatay sa mga lumad sa Mindanao, pagpapaalis sa mga katutubo sa Quezon para sa konstruksyon ng kaliwa dam at ang pagpapabaya sa mga teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea. Ngayon hinahayaan natin ang mga dayuhan na magkalat ng sugal, prostitusyon at droga sa anyo ng mga POGO sa bansa. Ang akala natin matapos ang deklarasyon ni Pangulong Aguinaldo noon at paglaban ni Pang. Manuel Quezon para sa Tydings Mcduffie law o batas sa pagpapalaya sa Pilipinas sa kamay ng mga Amerikano, ay tunay na tayong malaya. Ngunit ang mas masklap na katotohanan ay tinatag natin ang bilanguan ng ating kalyaan. At iniluluklok ang sarili nating kababayan bilang bagong mananakop.

Sagutin natin ang tanong kung tunay ba tayong lumaya, sa isang literal na konteksto tayo ay malaya mula sa kolonya ng kahit anong bansa. Ang bandila natin ang nakataas sa mga teritoryong tayo ang may sakop. Ang mga batas natin ay mula sa kongreso ng Pilipinas. Ganun din ang ating gobyerno ay mula sa konstitusyon na Filipino ang nagbalangkas. Ngunit ang kalayaan ay hindi lamang iisa ang aspeto. Maaring nagtagumpay tayong patalsikin ang mga banyaga at naging ganap na bansa. Ngunit bigo tayo wakasan ang tiranya ng sarili nating kababayan. Hindi natin nabigyan ng dalisay na idelohiya ang ating bayan. Hinayaan natin ang mga sakim na interes ang mangibabaw sa pulitika at lipunan. Hindi rin ganap na lumaya ang bayan sa kamangmangan. Ito ang mga batayan na hindi pa tayo ganap na malaya. Mga bagay na nagpaptibay sa teyorya ng ating mga bayani na hindi pa tayo handa na pamunuan ang sarili nating bayan. Sa patuloy na pagkasadlak natin sa kawalan, ang malilikot na pagiisip ay kumakawala. Paano kung hindi tayo umalpas sa kamay ng mga banyaga? siguro ay kasing ganda ng Madrid ang Maynila. O hindi naman kaya ay kasing sigla ng New york ang Makati. Baka ang mga kababayan natin ay marangya ang pamumuhay tulad ng ibang bansa sa Europa. Ang mga ganitong kaisipan ay hindi masasabing pagtataksil. Ito ay bunga ng labis na pagmamahal sa bayan. Isang paghahangad ng mas maayos na bukas para sa bayan. Sa huli kung ang rebolusyon ay nabigo, hindi tayo Filipino. Tayo ay mga mayayaman na alipin sa sariling bayan. Kaya't sa anibersayo ng ating kalayaan, hindi mahalaga ang eksaktong petsa ng kalayaan o kaninong mananakop tayo nagwagi. Ang tunay na mas mahalaga ay ang pagtindig sa banta ng diktadurya, ang patuloy na pagpapayabong ng kaalaman at pagsusumikap na iahon ang bayan sa kahirapan.

Kung patuloy kang susuporta sa isang huwad na kalayaan sa ilalim ng payasong pulitko, walang saysay na mag bunyi ka sa araw ng kalayaan. Sapagkat isa ka sa umaalipin sa sariling bayan! Ang iyong isipan at kilos ang patuloy na humahatak sa ganap na kalayaan. kaya't kung nais mong lumaya mas mabuting simulan mo sa iyong sarili.

                                                                                    

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

STATESMEN V. POLITICIANS

"HUY SI MAYOR NAG DONATE! WOW GALING NIYANG LIDER!" Amid a crisis, the well being of our nation is at risk and these trying times would be an era of darkness for every duly established state. But on the other hand, this would bring us some lesson that is evidently beneficial for our living. The story about philanthropist politicians became viral in social media. The elected officials from national to local government are donating their salaries or money for public use. The said news is well commended by people. Some would say, these people deserve to be elected on their post again, for good leadership. From that let us try to be critical, it is a work of compassion to put your money for mobilization of help in times of crisis but is it necessary to seek public office to become a philanthropist? To set an example, Ramon Ang from San Miguel Corp. and Jack Ma of Alibaba Corp, were able to extend their assistance to the people as a private individual. I'm not questioning t...

Teritoryong Nilimot ng Bayan

Ang mga isla na minsa'y sa atin, ngayon ay nasa kamay na ng Imperyalistang kalaban natin. Apat na taon matapos ang makasaysayang pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague Netherlands, Mariin pa rin iginigiit ng Tsina na ang buong West Phillippine Sea ay kanilang teritoryo. Ang pagkapanalo di umano ng Pilipinas ay iligal sapagpakat ang Tsina lamang ang may historikal na batayan sa pag-aangkin dito, naglabas din ang bansa ng Nine dash line, na kung saan ay sinasabing may soberanya ang Tsina sa lahat ng sakop ng linyang ito. Sa kabuuan ay kalahati ng karagatan sa Timog- Silangang Asya ang pasok sa nasabing nine dash line. Sa kabila ng hindi matapos na pang-aabuso ng Tsina sa mga mangingisda at sundalo ng Pilipinas sa West Phillipine Sea, ang gobyerno ng Pilipinas ay mas pinili na tahakin ang ligal na proseso sa pag protekta sa mga teritoryo nito. Batay sa  Sek. 2 Artikulo 2 ng 1987 Konstitusyon  " Itinatakwil ng Pilipinas ang digmaan bilang kasangkap...