Ang mga isla na minsa'y sa atin, ngayon ay nasa kamay na ng Imperyalistang kalaban natin.
Apat na taon matapos ang makasaysayang pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague Netherlands, Mariin pa rin iginigiit ng Tsina na ang buong West Phillippine Sea ay kanilang teritoryo. Ang pagkapanalo di umano ng Pilipinas ay iligal sapagpakat ang Tsina lamang ang may historikal na batayan sa pag-aangkin dito, naglabas din ang bansa ng Nine dash line, na kung saan ay sinasabing may soberanya ang Tsina sa lahat ng sakop ng linyang ito. Sa kabuuan ay kalahati ng karagatan sa Timog- Silangang Asya ang pasok sa nasabing nine dash line.
Sa kabila ng hindi matapos na pang-aabuso ng Tsina sa mga mangingisda at sundalo ng Pilipinas sa West Phillipine Sea, ang gobyerno ng Pilipinas ay mas pinili na tahakin ang ligal na proseso sa pag protekta sa mga teritoryo nito. Batay sa Sek. 2 Artikulo 2 ng 1987 Konstitusyon "Itinatakwil ng Pilipinas ang digmaan bilang kasangkapan ng patakarang pambansa, tinatanggap bilang bahagi ng batas ng bansa ang mga simulain ng batas internasyonal".
Ang gobyerno ng Pilipinas sa administrasyong Aquino ay dumulog sa United Nations Arbitration Court noong 2013. Mahusay na iprinisinta ng Pilipinas ang mga ebidensya kaya naman pinaboran ng hukuman ang bansa bilang nag iisang may ligal na hurisdiksyon sa mga isla ng Sparltys at Scarborough Shoal noong 2016. Ang Nine Dash ng Tsina ay kinilala na isang huwad na batayan at walang pagtalima sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Ayon sa UNCLOS, ang mga karagatan o isla na nasa loob ng 200 nautical miles mula sa isang National waters (River,lake,gulf, bays) or low water mark ng isang bansa ay pasok sa tinatawag na Exclusive Economic Zone (EEZ). Bagamat ang EEZ ng isang bansa ay hindi maituturing na ganap na teritoryo, ang soberanya, pagatatayo ng istraktura at mga yaman ng karagatan o isla sa loob EEZ ay eksklusibo lamang sa iisang bansa.
Sa kaso ng Pilipinas, hindi maaring gamitin ang patakarang low water mark sapagkat ang buong kapuluan ng Pilipinas ay napaliligiran ng tubig. Ang ilang katubigan ng bansa ay siyang nagkokonekta sa buong arkipelago. Bilang solusyon, ang mga bansang may herograpiyang kagaya ng Pilipinas ay pasasailalim sa Archipelago Doctrine. Sa doktrinang ito, hindi gagamitin ang low water mark bilang batayan bagkus isang straight baseline mark ang gagamitin na panukat. Ang mga katubigan na sa loob ng straight baseline mark ay kikilalanin bilang National waters, at ang anyong tubig sa labas ng straight baseline mark ay ang Teritorial Waters ng isang bansa. Ito ang dahilan kung bakit ang Scarborough Shoal ay pasok sa EEZ ng Pilipinas. Ang Panatag Shoal o Scarborough ay 200 nautical miles mula sa isla ng Palawan. Ang pagtalima ng Pilipinas sa Archipelago Doctrine ay nakasaad sa Artikulo 1 ng Saligang Batas, "Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas..."
Sa kabila ng pagkapanalo ng Pilipinas, ang Tsina ay naninindigan na ang bansa ay walang historical claim sa West Phillipine Sea. Ang Tsina ay nainiwala na ang Spratlys, kasama ang buong karagatan ng Timog Silangang Asya ay kanila na noon pang bago matatag ang UN. Sa katibayan ay pinalitan nila ang pangalan ng isang isla ng Pilipinas bilang Huangyan Island.
Kung ang kasaysayan ang magiging hukom sa usaping ito, ang West Phillipine Sea ay bahagi na ng Pilipinas bago pa ang pagdating ng mga kastila sa bansa at mapapatunayan ito sa Velarde Map. Kamakailan ang tinaguriang 'Mother of all Philippine Maps' ay naiuwi ni Mel Verlarde mula sa isang auction sa Britanya at ipinagkatiwala sa Republika ng Pilipinas ang pangangalaga rito. Ang mapa ay binuo ni Fr. Perdro Murillo Verlarde noong 1734 at inilathala sa parehas na taon sa Maynila. Si Fr. Velarde ay isang paring heswita na bihasang kartographer. Binuo niya ang Velarder map sa tulong ng dalawang Pilipino na sina, Nicolas dela Cruz Bagay at Francisco Suarez. Makikita sa mapa na ang mga isla ng Sparltys at Panatag Shoal ay kasamang naka guhit at may mga pangalan na, Los Bajos de Paragua at Panacot shoal. Samanatala, ang interes ng Tsina sa Panatag Shoal ay nagsimula lamang noong 1900, sa taong iyon ay nagsimula silang maglagay ng mga marka sa isla. Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig ay naging ganap ang interes ng Tsina sa sa mga isla ng Pilipinas at karatig nitong bansa. Upang maging ganap ang ambisyon nito sa Asya ay nag simula itong mag pakalat ng mga propagandang tungkol sa kanilang nine dash line. Batay sa liberal na edibensya ng kasaysayan at ligal na aspeto, walang kaduda-duda na may hurisdiksyon ang Pilipinas sa buong Panatag shoal.
Ang ligal na naging hakbang ng Pilipinas at pagkapanalo nito ay siyang nag pahanga sa buong mundo. Ito ay sinuportahan ng Amerika, Europa at maging mga bansa sa Timog Silangang Asya. Bagamat ang mga bansang tulad ng Vietnam, Indonesia at Malaysia ay nag-aankin rin sa nasabing isla, tiningnan nila ang pagkapanalo ng Pilipinas bilang pagtindig ng isang bansa laban sa Imperyalistang Tsina. Bukod sa tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, ginigipit din ng Tsina ang mga nasabing bansa sa rehiyon ng ASEAN, kaya naman naging mahalaga rin para sa mga bansang ito ang ligal na desisyon ng UN Arbitration Court.
Matapos makamit ng Pilipinas ang tagumpay, tila ang posisyon nito sa West Philippine sea ay tumamlay sa pagpasok ng administrasyong Duterte. Sapagakat imbis na igiit ang karapatan ng Pilipinas sa mga nasabing isla ay mas pinahalagaan ng pangulo ang pakikipagkaibigan sa Tsina. Sa kanyang pahayag kamakailan sinabi niya, kung ilalaban niya ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea kasama ang ating konstitusyon ay maari daw sabihin ng Tsina na gawin nalamang niya itong 'toilet paper'. Kasabay nito, may pahayag din ang pangulo na siya ‘di umano ang owner ng West Philippine Sea at ibinabahagi niya lamang sa Tsina ang ating yaman. Ang mga pahayag at kilos ng administrasyon ay kaiiba sa pinangako ng Pangulo noong eleksyon. Matatandaan na ikinatuwa ng mga Pilipino ang biro niyang pagsakay sa jets ski papuntang West Phillipine Sea upang ipaglaban ang ating soberanya.
Noong kampanya marami ang humanga sa tapang ng pangulo, ngunit kaunti ang naging lohikal sa pag-iisip ng solusyon laban sa pananakop ng Tsina. Mas binili ng mga tao ang biro ng pangulo kaysa sa seryosong opinyon ng katungali niyang si Late Senator Miriam Defensor- Santiago. Matalinong iminungkahi ni Santiago na pagkaisahin ng Pilipinas ang Association of South East Asian Nation (ASEAN) at himukin na tumindig sa pananakop ng Tsina sa halos buong rehiyon. Kung ang suhestiyon na iyon ang siyang naging polisiya ng pangulo, mataas ang prosyento na mapahinto ang Imperyalistang ambisyon ng Tsina sa Asya.
Ang mga bansang tulad ng Vietnam at Indonesia ay ilang ulit ng naka- sagupa ang barko ng Tsina sa kanilang karagatan, ngunit hindi nagpatinag ang mga ito. Isang kilos na dati ay malapit sa imahe ng pangulo. Ngunit ngayon ay matagumpay niyang ibinabahagi ang yaman ng mga isla ng Pilipinas sa Tsina. Gayon din ay malugod niyang iniimbitahan ang Tsina na mag tayo ng mga Philippine Offshore Gaming Offices (POGO) sa bansa. Ang mga POGO sa ngayon ay nagiging sentro ng kriminalidad, prostitusiyon at pagliban sa buwis. Habang ang POGO ay namamayagpag sa malaking kapuluan ng Pilipinas ang Tsina naman ay nakumpleto na ang mga istrakturang pang-ekonomiya at pandgima sa West Philippine sea.
Sa mga kuha ng Satellite ng Amerika sa istraktura ng Tsina sa West Philippine sea mukhang huli na ang Pilipinas para ilaban ang soberanya nito. Maging ang naratibo ng bansa sa pag-angkin sa teritoryo nito ay nagbago. Kung dati sa bisa ng Executive Order 29 ni Pangulong Aquino ang lahat ay kumikilala na ang karagatan sa kanluran ng Pilipinas ay dapat tawaging West Philippine Sea. Sa ngayon, kahit ang EEZ ng Pilipinas ay tinatawag ng marami bilang South China Sea. Ito ay upang maiwasan na mapikon ang matalik na kaibigan ni Pangulong Duterte, na si Xi Jin Ping, pangulo ng Tsina. Sa apat na taong anibersaryo ng pagkilala ng UN Arbitration Court sa teritoryo ng Pilipinas, magandang sariwain kung sino mga lider ang dapat ihalal sa daraitng na eleksyon. Kagaya ng Sinabi si Ret. Associate Justice Antonio Carpio, ipagkatiwala natin ang bansa sa mga taong handang ipaglaban ang soberanya nito sa kahit kanino mang dayuhan. Huwag sana maulit ang pagkakamali ng mga Pilipino sa pagpalakpak sa mga simpleng biro ni Duterte kaysa sa pag hanga sa matalinong opinyon ni Miriam Defensor-Santiago.
Sa huli, bilang pangunahing sangay ng lipunan, ang pamilya ay may responsibilidad na imulat ang mga miyembro nito sa aktibong pagikilala sa ating soberanya. Ganoon din ang mga paaralan na may kakayahan na humubog sa kamalayaan ng mga kabataan. Taong 1900 pa lamang ay naunahan na ang Pilipinas sa pag doktrina ng Tsina sa mamamayan nito patungkol sa pekeng Nine Dash Line. Ngayon kinakailangan na habulin ng Pilipinas ang Tsina sa pamamagitian ng edukasyon upang gisingin kamalayan at diwa ng mamamayan nito.
Footnotes:
Introduction to Philippine Government & Politics
Official Gazette Website
Esquire Philippines
Reuters Website
ABS CBN News
Inquirer
Comments
Post a Comment