Isa bang pagtataksil na isiping mas mahusay kung ang rebolusyon ay nabigo? at baka sakali hindi tayo alipin ng sariling kababayan. Kagaya ng sinabi ni Gat. Rizal, "Pasasaan pa ang kalayaan kung ang mga alipin ngayon ay sila din namang mang-aalipin bukas." Matapos ang deklarasyon ng kalayaan ng mga Filipino, isang daan taong nakalilipas, patuloy parin ang mga katanungan kung naging ganap ba ang Kalayaan? o naging mga alipin ng sariling kababayan. Isang araw bago ang pag gunita sa araw ng kalayaan, nag babala ang pambansang pulisya na kanilang bubuwagin ang kilos prostesta ng mga mamayan na umaalma sa panukalang batas na Anti- Terror Bill, alinsunod sa patakaran ng pandemya. Bago ito, ang mga estudyante ng UP Cebu at anim na tsuper ng jeep ay inaresto matapos magpahayag ng saloobin sa pamahalaan. Batid ng lahat ang panganib ng pandemya at lahat ay umaasang ito ay mag wakas. Ngunit ang pag gamit nito bilang instrumento sa pagpapatahimik sa boses ng publiko ay isang op...
"Marami ang gusto makialam, para sa pagmamahal, daw, sa bayan; ngunit kung aaralin mo ang kilos nila, pansariling interes lamang ang kanilang iniisip.- Apolinario Mabini 1990