Ang mga isla na minsa'y sa atin, ngayon ay nasa kamay na ng Imperyalistang kalaban natin. Apat na taon matapos ang makasaysayang pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague Netherlands, Mariin pa rin iginigiit ng Tsina na ang buong West Phillippine Sea ay kanilang teritoryo. Ang pagkapanalo di umano ng Pilipinas ay iligal sapagpakat ang Tsina lamang ang may historikal na batayan sa pag-aangkin dito, naglabas din ang bansa ng Nine dash line, na kung saan ay sinasabing may soberanya ang Tsina sa lahat ng sakop ng linyang ito. Sa kabuuan ay kalahati ng karagatan sa Timog- Silangang Asya ang pasok sa nasabing nine dash line. Sa kabila ng hindi matapos na pang-aabuso ng Tsina sa mga mangingisda at sundalo ng Pilipinas sa West Phillipine Sea, ang gobyerno ng Pilipinas ay mas pinili na tahakin ang ligal na proseso sa pag protekta sa mga teritoryo nito. Batay sa Sek. 2 Artikulo 2 ng 1987 Konstitusyon " Itinatakwil ng Pilipinas ang digmaan bilang kasangkap...
"Marami ang gusto makialam, para sa pagmamahal, daw, sa bayan; ngunit kung aaralin mo ang kilos nila, pansariling interes lamang ang kanilang iniisip.- Apolinario Mabini 1990